Bugis Market in Singapore
by SassyMom on Sep.23, 2009, under Litratong Pinoy, People, Singapore, Travel
Palengke o Pamilihan ang tema ngayong linggo sa Litratong Pinoy. Ang palengke ay isang lugar kung saan inilalako o itinitinda ang mga bagay, dito nagkakaroon ng transaksiyon ang mamimili at ang nagtitinda.
(Market is the theme for this week’s Litratong Pinoy. Market is a place where goods are traded, this where buyers and sellers transact their business in exchange of goods.)
Sa aming pamamasyal sa Singapore ay napadpad kami sa Bugis Flea Market, isa sa pinakamalaki at pinakamurang pamilihan sa Singapore, kung baga sa Pinas ay Divisoria. Kung gusto mong humanap ng pampasalubong o mga anik-anik na mura ay siguradong dito mo matatagpuan. Mura na at pwede ka pang tumawad.
Ito ang isa sa nakatawag pansin sa akin, tindera ng buko. Kung sa Pinas ay kariton, sa kaniya naman ay parang mamang sorbetero ang design. At in fairness, malinis na ang buko, ready nang biyakin para sa mga gustong makatikim ng Thailand coconut.
![]()
At dahil sa kainitan ng araw, nauhaw ang aking esposo at naghanap ng malamig na maiinom. Buti na lang walang nagtitinda ng Coke at nauwi kami rito — pamilyar di ba? Parang yung naglalako ng “sa malamig, sa malamig…” Kaya lang fresh fruits talaga ang mga ito, mura na masustansiya pa. Magaling na pampaalis ng uhaw!
![]()
(During our stroll in Singapore, we wandered around Bugis Flea Market, one of the biggest and cheapest street market in Singapore, similar to Divisoria in the Philippines. If you are looking for homecoming treats, souvenirs or just about anything, you will surely find it here. What’s good about this place is that its cheap and you can haggle for prices.
One of the things that caught my attention is this coconut stand, unlike here, where coconut vendors are usually pushing their carts along the streets, this one is designed like a “dirty ice cream” cart. The coconut husks are already taken out ready to be cleaved for customers who want to get a taste of Thailand coconut.
And because it was a very hot day, I guess hubs was really thirsting for something cold. Good thing there was no Coke around — we ended up in a fresh fruit stall. It’s cheap and it’s healthy. A real good way to quench your thirst!)
Visit other Litratong Pinoy entries here.



September 23rd, 2009 on 5:12 pm
Unique ang tindahan na yan ng buko ah nakakauhaw tuloy. Narito naman ang lahok ko isang maliit na palengke malapit sa amin. Happy LP!
http://penname30.blogspot.com/2009/09/litratong-pinoy-palengke-market.html
September 23rd, 2009 on 5:26 pm
Bilang palengke queen, gusto ko ring magawi sa lugar na yan, maganda at malinaw ang pagkakakuha mo sis sa mga lahok mo, saang palengke kaya ako makakabili ng murang kamera na may tawad, kaya lang baka kamerang de uling ang ibigay sa akin, hapi LP
September 23rd, 2009 on 6:39 pm
ang saya naman dyan! sarap libutin!
September 24th, 2009 on 3:49 am
mukhang magandang puntahan iyang lugar na yan ah at malinis pa. maligayang LP!
September 24th, 2009 on 4:08 am
imported pa from Thailand ang mga buko.:P
September 24th, 2009 on 4:33 am
ayan gusto ko tuloy ng buko..
luma na nga ung blog na un, photoblog dati na binalak kong gawin source of income para makabili ng dslr hehe, e naawa ang asawa ko sa akin, binilhan ako kaya ayun nilangaw na si blog.. ikaw kase nag gawa ka ng bagong meme haha kaya ni revive ko na para sa meme mo at sa LP din hehe
September 24th, 2009 on 5:21 am
Masarap na pamatid uhaw ang buco juice. Ummm sarap! =)
Salamat sa pagdaan sa aking lahok ngayong linggo.
September 24th, 2009 on 5:25 am
masarap ang buko. pareho lang ba ang lasa ng thailand buko and sa atin? hehehe
Happy LP
September 24th, 2009 on 10:16 am
ha ha, para ka ring nasa Pinas no? nakakaaliw talagang mamasyal sa palengke, makikita mo ang pagkakaiba o pagkakapareho ng ating kultura at panlasa sa iba!
heto naman ang aking Palengke
September 24th, 2009 on 12:18 pm
Kakaiba ang mga buko, tamang-tama pampaalis ng uhaw din yan
September 24th, 2009 on 4:03 pm
Namiss ko bigla ang Singapore!! Gusto ko yung balimbing juice nila na may halong juice ng sugar cane
nice captures!
Happy LP!
September 25th, 2009 on 4:51 pm
nice one, sassy! heheh! ~~~~mine’s up, too!
September 25th, 2009 on 6:39 pm
wow ang sarap nung buko
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita