LP : Tamad (Lazy)
by SassyMom on Oct.08, 2009, under Kids, Litratong Pinoy, Travel, Vacation
Sabi ng matatanda, “Ang taong tamad ay walang mararating.” Korek! Agree naman ako dito. Kaya nga bilang magulang tinuturuan ko ang aking mga anak na magsipag upang makamtan nila ang kanilang mga pangarap. Subali’t dahil bata ay normal lang naman na paminsan-minsan ay tamaan ng katamaran. Katulad noong pumunta kami sa Palawan… Heto ang aking bunso, tinamad maglakad nang makita kung gaano kahaba ang lalakarin sa NAIA Terminal 3. Kaya nakiusap kay ate kung pwede siyang sumakay sa pushcart. Mabait naman si Ate at pinagbigyan si bunso.
![]()
At dahil napagod sa buong araw na pagsiswimming at boat ride, heto na lang ang ginawa ng aking panganay at ng aking kapatid nang makita ang kama sa hotel. Nararamdaman ko ang katamaran sa kanila dahil ako din gusto ko nang mahiga, pero dahil nanay ako, hindi pwedeng humilata na lamang sa mga biyaheng tulad nito. Syempre pa, ako ang manngagalaga sa mga maruruming damit at lahat ng bagahe… Ang basa ay patutuyuin muna bago i-impake. Dahil malalaki na sila, pagkatapos ng pictorial na iyan ay pinatayo ko sila upang ayusin ang kanilang mga basang damit. Hehehe … sadista ba? Hindi naman… tinuturuan ko lang ng responsibilidad upang di maging tamad paglaki.
![]()
(According to our elders, “A lazy person will never reach his dreams.” Correct! and I agree with that. That’s why as a parent, I teach my children not to be lazy and be full of life in order to reach their dreams. But then, they’re kids and it’s normal to have episodes of laziness from time to time…. just like the first photo. My youngest was overwhelmed at how big the airport at NAIA Terminal 3 and seeing how long we’re going to walk, he requested his sister if he can ride the push chart and my daughter willingly obliged.
The second photo shows my sister and my daughter lazily lying on the bed. This was after a day at the beach and boat ride. Due to exhaustion, this was the first thing they did when they entered the hotel room …. the bed was heaven. I honestly would want to jump in with them but as a Mom, I can’t do that just yet especially during travels like this. I take care of everything… luggage, gears, esp the wet clothes — I make sure that they are dry before I even pack them. Since these two girls are big enough, after that shoot, I asked them to stand up and help out. Am I cruel??? Hehehe. No, I’m just teaching them a little bit of responsibility so they won’t turn out to be lazy when they grow up.)



October 8th, 2009 on 5:28 am
ang cute naman ng mga anak mo, sipag ni ate magtulak, korek ka diyan, ang mga nanay bago magpahinga kailangan talagang okey allright muna ang lahat, nice shots and hapi LP
October 8th, 2009 on 5:55 am
ambait ni ate. naku, ganyan din nanay ko, hindi pwdeng tatamad-tamad. tama naman siya hehehe!
October 8th, 2009 on 10:35 am
oo nga sipag ni ate, buti nalang magaan si bunso. Salamat sa pagdaan. Magandang araw!
October 8th, 2009 on 12:23 pm
Nakakatamad after traveling across the ocean. But big sis is cheerful!
October 8th, 2009 on 11:44 pm
wow, palawan! sarap naman!
October 9th, 2009 on 7:04 am
wish ko may magtutulak ng wheelchair kapag napagod ako sa kalalakad sa mall.:P
October 9th, 2009 on 9:44 am
nakakapagod at nakakatamad nga naman pong maglakad lalo na’t malayo ung lalakarin. hehehe. =)
October 9th, 2009 on 6:31 pm
me too love to rides on pushcart. ayaw lang itulak ng mga kapatid ko kasi mabigat daw ako
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
October 13th, 2009 on 3:44 pm
aaawwww how sweet….
sarap ng may kapatid
salamat sa pagdalaw