The neatness of ZEN type of design
by SassyMom on Oct.22, 2009, under Beauty of Nature, Litratong Pinoy, natural calamity
LITRATONG PINOY : MASINOP (NEAT)
Isa sa pinakapaborito kong desenyo sa bahay ay ang ZEN type of design. Napakasinop kasing tingnan. Walang masyadong maraming borloloy. Tulad na lamang ng desenyo nitong palikuran na ito. Minimal ang gamit at napakalinis tignan. Tunay na kaayaayang gamitin ang ganito kalinis na palikuran.
Sa totoo lang ang ZEN kasi ay hindi naman isang tipo ng desenyo ito ay isang pangkabuoang kalagayan ng kasarinlan o “state of mind”. Ang state of mind na ito ay nang-e-enganyo na maging calmado, mapayapa at bukas lagi ang isipan. Kung saan ay pinapraktis ang pagiging mabait di lamang sa kapwa tao kundi sa lahat ng nilikha ng Diyos. Mas madali da itong gawin kung ang tao ay mag me-meditate gamit zazen style kung saan ikaw ay nakaupo ng tahimik at sentro ang iyong paghinga.
Oo nga naman, paano ka naman makakapagisip nga maayos kung makalat ang iyong paligid. May puntos din itong ZEN na ito.
Ilan sa mga patnubay upang makamtan ang ZEN type of design ay maliwanag, walang “clutter”, wala masyado abubot at bawasan ang pagamit ng kulay. Hmmmm? Sa mga nabanggit na iyan, mukang kaya ko lahat maliban lamang sa huli, kasi mahilig ako sa kulay.
(The ZEN type of design is one of my favorites. The neatness and the simplicity is what attracts me to it. It has less decorations and clutter. Just like the design of this toilet, it’s simple and classy. Truly inviting for anyone to use
The truth is ZEN is not a type of design, it’s a state of mind that encourage you to have a calm, clear and pure attitude towards life. It upholds one to practice kindness not only to the human race but to all creatures of the world. It’s easier to achieve this state of mind by meditating the zazen style, where you sit on a quiet place and focus on you breathing.
ZEN has a point there. I guess you really can’t concentrate if you have all these clutter around you.
One of the things in achieving a ZEN type of design is to have clear, free of clutter, lots of space, minimal ornaments and reduce the color palette. Hmmm, amongst those mentioned. I think I can do all except the last one, cause I really love color.)
Happy LP!



October 23rd, 2009 on 3:37 am
isang challenge sa akin ang istilong “zen” sa aking kwarto man lang! hehe.
October 24th, 2009 on 9:14 am
Neat talaga! Nakakaenganyo maglinis pag ganyan di ba?