Regalo (Gift)
by SassyMom on Dec.24, 2009, under Christmas, Litratong Pinoy
![]()
“It is better to give than to receive.” Iyan ang motto ko at ng aking pamilya tuwing pasko. Kaya naman sa laki ng pamilya ng asawa ko ay mukha kaming santa claus tuwing araw ng pasko. Heto ang mga regalo sa ilalim ng aming Christmas tree, ang iba ay napamigay na. Ang mga iyan ay bubuksan mamayang gabi pagkatapos ng noche buena.
![]()
Pero syempre huwag nating kalimutan ang pinakamahalagang regalo na ibinigay sa ating lahat … ang pagdating ni Hesus sa mundong ito upang tayong lahat ay iligtas.
Maligayang Pasko sa inyong lahat at nawa’y patuloy kayong biyayaan ng ating Poong Maykapal!



December 25th, 2009 on 1:28 pm
ang galante nyo pala.. ang swerte ng mga mamamasko sa inyo..hehe Merry Christmas!
December 27th, 2009 on 11:20 am
Naalala ko tuloy yung buhay Pasko namin sa Maynila noon – ang dami ding regalo dahil malaki ang pamilya – hahaha! Di bale, masaya naman kahit nakakapagod at magulo
December 28th, 2009 on 8:02 pm
I’m sure you’re blessed, ten folds…continue giving
Have a wonderful 2010!