Husay sa Pagaw ng Pottery
by SassyMom on Feb.24, 2010, under Litratong Pinoy, Philippine Travel, Travel
Husay (Skillful)
Ang mga palayok na ito ay ilan sa mga produkto ni Ugu Bigyan. Isa sa mga kilalang “potters” ng ating bansa. Napakahusay ng kaniyang kamay sa paglilok ng mga ito, kaya naman siya ay tinatawag na “ceramic artist’.
Dinalaw namin ang kaniyang studyo sa Tiaong, Quezon. Napakabait na tao ni Ugu at kahit gabi na ay pinagbigyan pa rin niya kaming makita ang kaniyang mga gawa. At syempre napabili rin ang inyong lingkod. Kilala si Ugu sa kaniyang pagkamalikhain sa paglilok ng mga “dinnerware”, mga “accent pieces” o dekorasyon. Ilan sa mga suki niya ay ang mga kilalang resort tulad ng Amanpulo, El Nido, Villa Escudero, Hidden Valley, Campo Travieza at marami pang iba. Tunay na maipagmamalaki nating ang husay ni Ugu sa kaniyang napiling propesyon.
Ang kaniyang studyo ay siya ring kaniyang tahanan, kung saan nagbibigay siya ng pottery workshop.
Maari rin kayo reserve ng inyong pananghalian sa lugar na ito. Isa rin kasing Chef si Ugu.
(These pots are one of the many products from the skillful hand of Ugu Bigyan, who is one of the more popular potters in the Philippines. Sculpting such fine potteries are truly impressive, that’s why he is called a ceramic artist.
We visited his studio in Tiaong, Quezon and despite being late in the night, he opened his doors for us so we can take a look at his mater pieces. Of course, I couldn’t pass the chance to buy. Ugu is known for his creative designs in making dinnerware, accent pieces and other ceramic decor. Some of his clients include posh resorts such as Amanpulo, El Nido, Villa Escudero, Hidden Valley, Campo Travieza. His artistic craft is one that we can truly be proud of.
In his studio, which is also his residence, he offers pottery workshop.
And being a chef, he also offers lunch, if you call in for reservation.)
Ugu’s Pottery Studio is part of the Viaje del Sol . For lunch reservations (minimun of 5 persons), you can call Telefax (042) 5459144. Mobile (0917) 560 5708.







February 25th, 2010 on 2:34 am
Very beautiful subjects, very nice shots lalo na ang una at huli.
February 25th, 2010 on 5:32 am
ganda…mabisita nga ito minsan, baka pwede ito sa client ko.:p
February 25th, 2010 on 1:19 pm
Oh wow!! salamat sa tip! type ko puntahan sa next pinas vacation…thanks ulit!
happy lp too ha ha, muntik ko malimutan
February 25th, 2010 on 2:09 pm
bilib ako sa kanila. ang galing nilang ihulma ang putik para maging paso.
Happy LP
February 25th, 2010 on 2:46 pm
wow! ang ganda ng mga gawa niya! at di lang siya potter, chef pa. daya naman ng ibang tao, namamakyaw ng talent. haha!
February 25th, 2010 on 4:26 pm
ang ganda! mukhang maganda ang studio na ito ha…
February 25th, 2010 on 11:39 pm
Minsan ko ng napanood sa isang tv show ang tungkol sa kanya. Kung mapadpad ako sa Quezon, sana makapunta rin ako dito. Salamat sa pagdaan sa aking LP ngayong linggo.
February 26th, 2010 on 12:19 am
WOW! Mahusay talaga. At di biro ang paggamit ng pottery wheel. Kailangan mahusay ka talaga para makabuo ng maayos.
Salamat sa pagdalaw. Magandang araw sa iyo.
February 26th, 2010 on 2:42 am
Multi-talent si Ugu! Gusto ko ang style ng pottery niya.
Ganda ng ambience sa restorante niya. Tunay na Pinoy setting!
February 27th, 2010 on 12:30 am
ang ganda ng mga gawa nya. kanya din ba yung 2 paintings sa unang larawan? ang cute!
happy weekend!
March 1st, 2010 on 9:23 am
Ang sarap puntahan ng lugar ni Ginoong Ugu. Ang gaganda ng likha niya. sigurado mahal ang mga iyan ano?
March 19th, 2010 on 9:42 am
I like his potteries. It is unique and the designs are really one-of-a-kind. I hope I can see these great items in person.