Pixel Bug

Filipinos are prayerful by nature

by on Mar.11, 2010, under Litratong Pinoy

LP Button1 Likas na madasalin ang mga Pinoy

Marahil isa sa mga katangian ng mga Pinoy na tunay kong hinahangaan ay ang pagiging likas na madasalin. Kahapon lamang ay nagsimba ako at pinagmasdan ko ang iba’t ibang uri ng tao na dumalo sa misa. Napansin ko na ang karamihan ay mga taong nag-oopisina. Nakakabilib kung paanong isinasakripisyo ng mga taong ito ang oras ng kanilang pananghalian upang makinig ng misa.

madasalin

Kaya naman siguro kahit anong hirap ng bansa natin ay nakakaraos tayo. Sa harap ng krisis na pang- ekonomiya at politikal at ang mga kalamidad ng dumarating, ang lahat ng ito ay ipinagpapasa-Diyos na lamang natin. Di ba’t naipakita rin natin ito noong nakaraang EDSA People Power Revolution kung saan ay rosaryo at dasal ang iniharap ng mga tao sa mga nakabalandrang tanke ng mga militar?

Isa sa pagpapatunay ng pagkamadasalin ng mga Pilipino ay pagkakaroon ng simbahan at kapilya saan ka man dumako. At kahit sa mga mall ngayon ay nagdaraos na ng misa para di na makaligtaan ng mga tao ang pagsisimba lalo na tuwing araw ng linggo.
Simbahan

Magandang Huwebes sa inyong lahat!

(Probably one of the characteristics that I like most about Filipinos is that they are prayerful by nature. Just yesterday I attended  mass and was able to observe people who attended — most of them are office workers. I can’t help but feel astonished at these people who have sacrificed an hour (which is their lunchtime) to be able to hear mass.

Perhaps this is the reason why we are able to overcome all the hardships that our country is experiencing. Be it economic crisis, political crisis and even in the face of natural calamities, we have learned to trust in the Lord. Didn’t we just demonstrate that during EDSA People Power Revolution? That despite the blockade of military tanks, people were there to face them prayers and rosary?

The fact that you can find chapels and churches everywhere you go, is an indication that Filipinos are prayerful. Now even in the malls, priests celebrate mass so that people won’t have any excuse of not hearing mass especially during Sundays.

Happy Thursday!)

:, , , ,

7 Comments for this entry

  • Ebie

    Sa mahigit na tatlong daang taon na impluencia ng Espana, kaya tayo naging relihioso. Ika nga thru the cross and sword.

    Malapit na ang cuaresma….

  • Marites

    oo nga, madalasin tayo. Ang pinagtataka ko lang, madasalin tayo pero isa rin ang ating bansa sa pinaka-corrupt. Paano kaya nangyari ang ganoon? Hanggang dasal lang ba tayo at wala sa gawa?

    Maligayang LP!

  • Thess

    Pareho kami ng tanong ni Marites, nakakalungkot di ba?

    Pero hindi naman lahat ay nagdarasal na walang silbe, marami ang taos sa puso ito kaya naman gaya ng sinabi mo, sa gitna ng hirap nakakaraos pa rin tayo.

    Happy LP :)

  • Mirage

    Minsan kasi umaasa na lang talaga sa panalangin…at ang iba ginagamit ang pagiging maka-Diyos nating mga Pilipino na iasa na lang lahat sa panalangin at hindi sa paggawa o pagiisip…. *sigh*

  • arls

    i love your entry! :) naniniwala ako sa sinabi mo :)

    happy Huwebes! :)

  • anj

    ganda ng pictures! at nakakabilib nga ang pananampalataya ng pinoy.

    ito naman ang aking lahok.

  • reyapot

    agree ako syu momsy.. ang mga Pinoy ay likas na madasalin..(isa na ako dun)

    :-)

    we live by faith ika nga..

Leave a Reply

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!

Visit our friends!

A few highly recommended friends...