Ganda ng Kalikasan
by SassyMom on Mar.03, 2010, under Beauty of Nature, Litratong Pinoy, Philippine Travel
KALIKASAN (Nature)
Napakayaman ng ating bansa sa yaman ng kalikasan. Tuwing ako ay dadalaw sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay namamangha ako sa ganda ng ating bansa.
Isa sa mga paboritong kong kunin tuwing ako ay maglalakbay ay ang kalikasan. Tulad nitong unang larawan, ito ay kuha sa Malcapuya Island sa Palawan.
![]()
Heto naman ay sa Palawan din, sa Kayangan Lake, Coron.
![]()
At eto ay kuha 100feet above ground, nung minsang nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumakay sa Canopy Lift Ride sa Subic Tree Top Adeventure.
![]()
(Our country is rich natural resources. Every time I visit any part of the country, I am awed a the beauty of the Philippines.
One of my favorite subject, is to take shots of nature. Like this first picture which was taken in Malcapuya Island, Palawan.
This one is also in Palawan, Kayangan Lake in Coron.
And this photo was taken 100 feet above ground when I had the courage to ride the Canopy Lift Ride at Subic Tree Top Adventure.)



March 4th, 2010 on 4:37 am
Palawan here I come! It is like a paradise! Salen, ganda ng mga shots mo!
March 4th, 2010 on 5:08 am
sana talaga hindi sisirain para maganda pa rin hanggang kelan. salamat pala sa dalaw
March 4th, 2010 on 5:14 am
ang ganda talaga ng palawan. gusto kong libutin ang buong probinsya!!!
ito naman ang aking lahok.
March 4th, 2010 on 7:39 am
nature talaga, sa coron nakarating na ako nung minsang sumakay kami ng coco explorer, maganda ang palawan marami pa ang naipreserve, ganda ng kuha
March 4th, 2010 on 9:16 am
Malamig talaga sa mata ang green…ang ganda lahat!
March 4th, 2010 on 10:01 am
Naku, isa yan sa mga dream destinations ko ang Palawan. Nakakahiya mang aminin, pero sa edad kong ito ay hindi pa ako nakakaapak sa Palawan. Talo pa ako ng mga kaibigan kong banyaga at naiinggit ako sa kanilang mga kwento tungkol sa angking ganda ng Palawan.
March 4th, 2010 on 1:07 pm
Akmang-akma dito yung old jingle ng PAL – “the beauty of the Philippines… shining through!”
March 4th, 2010 on 2:51 pm
palawan ang gusto kong mapuntahan ngayon. ang ganda talaga ng lugar naito.
happy LP
March 5th, 2010 on 2:53 am
miss ko na talaga ang Palawan lalo iyang Kayangan na iyan. Ang gaganda ng kuha mo.
Maligayang LP!
March 5th, 2010 on 2:49 pm
kamangha-mangha talaga ang yaman ng pilipinas, lalo na yang kayangan lake. ang sarap magbabad buong araw hehehe! nakaka-engganyo ang tree top adventure na kuha mo
March 7th, 2010 on 3:01 am
hindi pa ako nakakapunta sa palawan but i have always wanted to. your second pic is great! have a great weekend!
March 7th, 2010 on 2:42 pm
Hindi pa rin ako nakakapunta sa Palawan although I heared so much about the beauty of palawan.Thanks for sharing
March 8th, 2010 on 8:21 am
oh palawan is just HEAVENLY place. i love kayangan lake the most..
thanks for posting your nice pics!
February 25th, 2011 on 12:18 pm
pangalagaan ang kalikasan