Pixel Bug

Litratong Pinoy

Filipinos are prayerful by nature

by SassyMom on Mar.11, 2010, under Litratong Pinoy

LP Button1 Likas na madasalin ang mga Pinoy

Marahil isa sa mga katangian ng mga Pinoy na tunay kong hinahangaan ay ang pagiging likas na madasalin. Kahapon lamang ay nagsimba ako at pinagmasdan ko ang iba’t ibang uri ng tao na dumalo sa misa. Napansin ko na ang karamihan ay mga taong nag-oopisina. Nakakabilib kung paanong isinasakripisyo ng mga taong ito ang oras ng kanilang pananghalian upang makinig ng misa.

madasalin

Kaya naman siguro kahit anong hirap ng bansa natin ay nakakaraos tayo. Sa harap ng krisis na pang- ekonomiya at politikal at ang mga kalamidad ng dumarating, ang lahat ng ito ay ipinagpapasa-Diyos na lamang natin. Di ba’t naipakita rin natin ito noong nakaraang EDSA People Power Revolution kung saan ay rosaryo at dasal ang iniharap ng mga tao sa mga nakabalandrang tanke ng mga militar?

Isa sa pagpapatunay ng pagkamadasalin ng mga Pilipino ay pagkakaroon ng simbahan at kapilya saan ka man dumako. At kahit sa mga mall ngayon ay nagdaraos na ng misa para di na makaligtaan ng mga tao ang pagsisimba lalo na tuwing araw ng linggo.
Simbahan

Magandang Huwebes sa inyong lahat!

(Probably one of the characteristics that I like most about Filipinos is that they are prayerful by nature. Just yesterday I attended  mass and was able to observe people who attended — most of them are office workers. I can’t help but feel astonished at these people who have sacrificed an hour (which is their lunchtime) to be able to hear mass.

Perhaps this is the reason why we are able to overcome all the hardships that our country is experiencing. Be it economic crisis, political crisis and even in the face of natural calamities, we have learned to trust in the Lord. Didn’t we just demonstrate that during EDSA People Power Revolution? That despite the blockade of military tanks, people were there to face them prayers and rosary?

The fact that you can find chapels and churches everywhere you go, is an indication that Filipinos are prayerful. Now even in the malls, priests celebrate mass so that people won’t have any excuse of not hearing mass especially during Sundays.

Happy Thursday!)

7 Comments :, , , , more...

Ganda ng Kalikasan

by SassyMom on Mar.03, 2010, under Beauty of Nature, Litratong Pinoy, Philippine Travel

LP Button1 KALIKASAN (Nature)

Napakayaman ng ating bansa sa yaman ng kalikasan. Tuwing ako ay dadalaw sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay namamangha ako sa ganda ng ating bansa.

Isa sa mga paboritong kong kunin tuwing ako ay maglalakbay ay ang kalikasan. Tulad nitong unang larawan, ito ay kuha sa Malcapuya Island sa Palawan.

Malcapuya Island
Heto naman ay sa Palawan din, sa Kayangan Lake, Coron.

kayangan lake

At eto ay kuha 100feet above ground, nung minsang nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumakay sa Canopy Lift Ride sa Subic Tree Top Adeventure.

Subic Rain Forest

(Our country is rich natural resources. Every time I visit any part of the country, I am awed a the beauty of the Philippines.

One of my favorite subject, is to take shots of nature. Like this first picture which was taken in Malcapuya Island, Palawan.

This one is also in Palawan, Kayangan Lake in Coron.

And this photo was taken 100 feet above ground when I had the courage to ride the Canopy Lift Ride at Subic Tree Top Adventure.)

13 Comments :, , , , , , more...

Husay sa Pagaw ng Pottery

by SassyMom on Feb.24, 2010, under Litratong Pinoy, Philippine Travel, Travel

LP Button1 Husay (Skillful)

Ang mga palayok na ito ay ilan sa mga produkto ni Ugu Bigyan. Isa sa mga kilalang “potters” ng ating bansa. Napakahusay ng kaniyang kamay sa paglilok ng mga ito, kaya naman siya ay tinatawag na “ceramic artist’.

Ugu Pottery

Dinalaw namin ang kaniyang studyo sa Tiaong, Quezon. Napakabait na tao ni Ugu at kahit gabi na ay pinagbigyan pa rin niya kaming makita ang kaniyang mga gawa. At syempre napabili rin ang inyong lingkod. Kilala si Ugu sa kaniyang pagkamalikhain sa paglilok ng mga “dinnerware”, mga “accent pieces” o dekorasyon. Ilan sa mga suki niya ay ang mga kilalang resort tulad ng Amanpulo, El Nido, Villa Escudero, Hidden Valley, Campo Travieza at marami pang iba. Tunay na maipagmamalaki nating ang husay ni Ugu sa kaniyang napiling propesyon.

Ugu Pottery2

Ang kaniyang studyo ay siya ring kaniyang tahanan, kung saan nagbibigay siya ng pottery workshop.

Ugu Pottery3

(continue reading…)

12 Comments :, , , , more...

Litratong Pinoy : Plano

by SassyMom on Jan.27, 2010, under Litratong Pinoy

LP Button1

Sino ba naman ang hindi nangarap magkaroon ng sariling bahay? Heto ang isa sa mga plano ng bahay na ginawa ng aking butihing asawa para sa kaniyang kliyente. Plano rin naming magkaroon ng sariling bahay. Sa awa ng Diyos ay naniniwala ako na ibibigay din niya ito sa amin.

Floor Plan

(Who didn’t dream of owning a house? Here is one of the plans that my hubby made for one of his clients. We also plan and dream of having a house. With God’s grace, I know that He will our prayers.)

7 Comments :, more...

Regalo (Gift)

by SassyMom on Dec.24, 2009, under Christmas, Litratong Pinoy

LP Button1

“It is better to give than to receive.” Iyan ang motto ko at ng aking pamilya tuwing pasko. Kaya naman sa laki ng pamilya ng asawa ko ay mukha kaming santa claus tuwing araw ng pasko. Heto ang mga regalo sa ilalim ng aming Christmas tree, ang iba ay napamigay na. Ang mga iyan ay bubuksan mamayang gabi pagkatapos ng noche buena.

Regalo-1

Pero syempre huwag nating kalimutan ang pinakamahalagang regalo na ibinigay sa ating lahat … ang pagdating ni Hesus sa mundong ito upang tayong lahat ay iligtas.

Maligayang Pasko sa inyong lahat at nawa’y patuloy kayong biyayaan ng ating Poong Maykapal!

3 Comments :, , , , more...

Paano ka ba humiling?

by SassyMom on Dec.10, 2009, under Litratong Pinoy, Seascape

LP Button1 LP : HILING (WISH)

Iba’t ibang pamamaraan ang ginagawa ng mga tao kung sila ay humihiling. Depende sa iyong paniniwala, walang tama o mali. Ang mahalaga ay kapag humiling ka ay gawin mo ang nararapat upang maisakatuparan ito. Mahirap namang maghintay na lamang sa wala. Ika nga e…”Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!
Hiling

(There are a lot of ways to do your wish. Depending on what you believe in, no once can judge you if its right or wrong. The important thing is that you do the necessary steps in orders to achieve that wish. You just don’t wait for it to happen. According to old adage, “Do your best and God will the rest.”

Happy Thursday!)

8 Comments :, , , more...

Hudyat na malapit na ang Pasko

by SassyMom on Dec.02, 2009, under Christmas, Litratong Pinoy, Special Occasion

LP Button1 LP : HUDYAT (A sign that Christmas is near..)

Excited ako ngyong linggo dahil nagbalik na ang Litratong Pinoy. Maligayang Pagbabalik, LP! Sa pagbabalik ng LP, Hudyat ang tema.

Ang malamig na hangin, ang mga kumukutitap na mga ilaw at nagagandahang mga Christmas Tree ang naghuhudyat na malapit na ang Pasko. Tulad na lamang sa aming tahanan kung saan maaga akong nagtayo ng Christmas Tree para sa mga bata… para sa akin kasi ang Pasko ay para sa mga bata. Ngunit paran sa inyong lingkod ito ang pinakapaborito kong panahon, kaya feeling ko pasko palagi.

Christmas Ornaments-1

(I am so excited this week because Litratong Pinoy is back. Welcome back, LP! And for their comeback, the theme is SIGN or SIGNAL.

The chilly weather, the beautiful glittering lights, and those lovely Christmas trees adorned with captivating ornaments is a sign that Christmas is near. At home, I always make sure that I put up the tree early for the kids. Christmas is mostly for children. Although for me since this is my favorite time of the year, I feel Christmas everyday.)

4 Comments :, , , more...

The neatness of ZEN type of design

by SassyMom on Oct.22, 2009, under Beauty of Nature, Litratong Pinoy, Uncategorized, natural calamity

LP Button1

LITRATONG PINOY : MASINOP (NEAT)

Bathroom at Thunderbird PoroPointIsa sa pinakapaborito kong desenyo sa bahay ay ang ZEN type of design. Napakasinop kasing tingnan. Walang masyadong maraming borloloy. Tulad na lamang ng desenyo nitong palikuran na ito. Minimal ang gamit at napakalinis tignan. Tunay na kaayaayang gamitin ang ganito kalinis na palikuran.

Sa totoo lang ang ZEN kasi ay hindi naman isang tipo ng desenyo ito ay isang pangkabuoang kalagayan ng kasarinlan o “state of mind”. Ang state of mind na ito ay nang-e-enganyo na maging calmado, mapayapa at bukas lagi ang isipan.  Kung saan ay pinapraktis ang pagiging mabait  di lamang sa kapwa tao kundi sa lahat ng nilikha ng Diyos. Mas madali da itong gawin kung ang tao ay mag me-meditate gamit zazen style kung saan ikaw ay nakaupo ng tahimik at sentro ang iyong paghinga.

Oo nga naman, paano ka naman makakapagisip nga maayos kung makalat ang iyong paligid. May puntos din itong ZEN na ito.

Ilan sa mga patnubay upang makamtan ang ZEN type of design ay maliwanag, walang “clutter”,  wala masyado abubot at bawasan ang pagamit ng kulay. Hmmmm? Sa mga nabanggit na iyan, mukang kaya ko lahat maliban lamang sa huli, kasi mahilig ako sa kulay.

Bathroom at Thunderbird PoroPoint2(The ZEN type of design is one of my favorites. The neatness and the simplicity is what attracts me to it.  It has less decorations and clutter. Just like the design of this toilet, it’s simple and classy.  Truly inviting for anyone to use

The truth is ZEN is not a type of design, it’s a state of mind that encourage you to have a calm, clear and pure attitude towards life. It upholds one to practice kindness not only to the human race but to all creatures of the world. It’s easier to achieve this state of mind by meditating the zazen style, where you sit on a quiet place and focus on you breathing.

ZEN has a point there. I guess you really can’t concentrate if you have all these clutter around you.

One of the things in achieving a ZEN type of design is to have clear, free of clutter, lots of space, minimal ornaments and reduce the color palette. Hmmm, amongst those mentioned. I think I can do all except the last one, cause I really love color.)

Happy LP!

2 Comments :, , more...

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!

Visit our friends!

A few highly recommended friends...