Pixel Bug

Singapore

Bugis Market in Singapore

by on Sep.23, 2009, under Litratong Pinoy, People, Singapore, Travel

LP Button1

Palengke o Pamilihan ang tema ngayong linggo sa Litratong Pinoy. Ang palengke ay isang lugar kung saan inilalako o itinitinda ang mga bagay, dito nagkakaroon ng transaksiyon ang mamimili at ang nagtitinda.
(Market is the theme for this week’s Litratong Pinoy. Market is a place where goods are traded, this where buyers and sellers transact their business in exchange of goods.)

Sa aming pamamasyal sa Singapore ay napadpad kami sa Bugis Flea Market, isa sa pinakamalaki at pinakamurang pamilihan sa Singapore, kung baga sa Pinas ay Divisoria. Kung gusto mong humanap ng pampasalubong o mga anik-anik na mura ay siguradong dito mo matatagpuan. Mura na at pwede ka pang tumawad.

Ito ang isa sa nakatawag pansin sa akin, tindera ng buko. Kung sa Pinas ay kariton, sa kaniya naman ay parang mamang sorbetero ang design. At in fairness, malinis na ang buko, ready nang biyakin para sa mga gustong makatikim ng Thailand coconut.

Bugis Market1

At dahil sa kainitan ng araw, nauhaw ang aking esposo at naghanap ng malamig na maiinom. Buti na lang walang nagtitinda ng Coke at nauwi kami rito — pamilyar di ba? Parang yung naglalako ng “sa malamig, sa malamig…” Kaya lang fresh fruits talaga ang mga ito, mura na masustansiya pa. Magaling na pampaalis ng uhaw!

Bugis Market copy

(continue reading…)

13 Comments :, , more...

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!

Visit our friends!

A few highly recommended friends...