Tag: Ugu’s Pottery
Husay sa Pagaw ng Pottery
by SassyMom on Feb.24, 2010, under Litratong Pinoy, Philippine Travel, Travel
Husay (Skillful)
Ang mga palayok na ito ay ilan sa mga produkto ni Ugu Bigyan. Isa sa mga kilalang “potters” ng ating bansa. Napakahusay ng kaniyang kamay sa paglilok ng mga ito, kaya naman siya ay tinatawag na “ceramic artist’.
Dinalaw namin ang kaniyang studyo sa Tiaong, Quezon. Napakabait na tao ni Ugu at kahit gabi na ay pinagbigyan pa rin niya kaming makita ang kaniyang mga gawa. At syempre napabili rin ang inyong lingkod. Kilala si Ugu sa kaniyang pagkamalikhain sa paglilok ng mga “dinnerware”, mga “accent pieces” o dekorasyon. Ilan sa mga suki niya ay ang mga kilalang resort tulad ng Amanpulo, El Nido, Villa Escudero, Hidden Valley, Campo Travieza at marami pang iba. Tunay na maipagmamalaki nating ang husay ni Ugu sa kaniyang napiling propesyon.
Ang kaniyang studyo ay siya ring kaniyang tahanan, kung saan nagbibigay siya ng pottery workshop.





